Monday, August 10, 2009

Ang Batang kulang sa pansin

Meron akong pamangkin, babae siya mga nasa 4 na taong gulang...napansin ko sa kanya kulang siya sa pansin...habang nasa aming bahay siya upang magbakasyon nakita ko ang ugali nya na tipikal sa mga batang kulang sa pansin lahat halos na laruan at gamit ng anak ko inaagaw n'ya na tilang ito ay kanya na kinuha lang sa kanya...ang sabi ko sa kanya matuto siya magsabi ng "pahiram po" at huwag basta mang-aagaw ng gamit na di naman sa kanya..mabait naman na bata ang pamangkin ko pero may pagka maldita lang talaga pag minsan, minsan nakwento ng tatay niya na kapatid ko na ang paborito niya ay ang pangalawa at bunsong anak niya dahil maputi at maganda daw ang pangalawa at lalaki naman ang bunso...samantala yong pamangkin ko na nakabakasyon sa bahay namin ngayon ay ang panganay nya lagi nya iton pinipintasan dahil maitim daw at pangit...(ang sama naman ng comment nya sa panganay niya) sabi nya rin kamukha daw yon ng nanay namin na madalas niya makaaway...haaaaaaaayy! kawawang bata di pala pinag uukulan ng atensyon at lubos na kalinga dahil narin sunod sunod ang anak nila kaya napipilitan ang pamangkin ko maligo sa bahay nila ng mag-isa, kaya naman sa tingin ko napabayaan na siya ng husto at pakiramdam niya hindi siya mahal ng mga magulang niya kaya naisipan namin na doon na lamang muna siya sa bahay namin mag-lagi, dito pinapaliguan ko siya araw araw at sinusubuan binibigyan ng atensyon at tinuturuan ng tamang pag-uugali na sa tingin ko di masyado nagagawa ng mga magulang niya dahil abala sa pag-aasikaso ng dalawa pang maliliit na anak...dito sa bahay namin pag me ginagawa siyang hindi tama pinag sasabihan ko siya at tinuturuan ng tama dahil dapat habang bata pa lamang hubugin na natin ang kanilang murang isipang sa tama at mali upang madala nila ito pag tanda nila dahil mahirap na turuan ang matanda na..